Saturday, October 30, 2010

Gusto mo ba ng SUPERPOWERSSS? =)

Siguro naman sa buhay mo, eh naisip mo na isang araw ay gusto mong maging superhero o maging karakter sa komiks. Marami ka kasing makukuha kapag naging superhero o sikat ka sa komiks eh. Una na dito, maraming magkakagusto sayo, hindi lamang sa itsura ng pagkakadrawing sayo kundi pati na sa abilidad o superpowers na taglay mo. Pangalawa, makakamit mo na ang pinakahahangad mo, ang magawa ang kahit anong gusto mong gawin at maging sikat/kilala sa buong mundo, diba? Huli sa lahat, maaari mong mapa-ibig yung taong gusto mo, lalo na kapag yung physical characteristics yung hinahanap niya, at yun ang sa tingin mong kulang sa'yo.

Pare-pareho lang lahat tayo, may isang punto sa buhay natin na hindi tayo kuntento, alam kong naramdaman o naranasan mo na ‘yon, aminin. Ako kasi, malimit kong kakitaan ang sarili ko ng pagkakamali, hindi ko alam kung bakit, natural na yata to eh. Kasabay ng pagkakita sa mga kamalian na tinataglay ko, namumuo yung kagustuhan ko para sa sarili ko na gayahin o di kaya’y mapunta sa kalagayan ng iba. Tulad nila Spiderman sa Komiks, ni Prince Charming sa mga fairytale, ni Dash sa The Incredibles at lalong-lalo na ni Clark Kent sa Superman. Almost perfect ang mga taong ito, nakukuha nila ang gusto nila, napapa-sakanila yung mga taong gusto nila at nagagawa din nila lahat. Para silang mga dealer sa poker, kontrolado nila ang laro at sila ang nagse-set ng i-lalaro mo. Hayy, nakakainggit nga naman sila.

Pero kahit ganon, hindi ko pa rin naman nakakalimutan siyempre na hanapin ang mga positive sa akin, yun yung masaya eh. =) Yun yung magpapabuhay ng araw ko.

Kumuha ako ng papel at lapis nung isang araw, sinubukan kong i-guhit yung sarili ko pag naka-komiks. Pero hindi ko magawa, di naman ako magaling mag-drawing eh. At mas maganda kasi sana kung yung drawing na ito ay magpapakita kung ano yung mga ugali mo sa loob, hindi lang sa labas. Kung ganoon kase yung mangyayari, edi magda-drawing talaga ako.

Pero sa likod ng lahat ng superpowers na tinataglay ng mga iniidolo natin na mga superhero, may mga problema at suliranin din silang pinagdadaanan. Siguro nga hindi natin alam kung ano yung mga iyon, pero kapareho lang natin sila minsan ng mga sitwasyon kapag nagtatransform na ulit sila upang maging normal na tao.

Sa pagsulat nito, napaisip ulit ako. AMP. Ayokong maging superhero o kahit sinong perpekto sa komiks, mas maganda pala kapag ikaw yung ikaw ng ikaw. Kasi kapag ginawa mo lahat ng sa tingin mo ay tama, at sa tingin mo ay hindi makakaapekto sa daloy ng mundo, pwede ka din namang maging isa sa kanila. ANG MAGING KILALANG SUPERHERO. Back to basics lang, di na kailangan maging moderno, salita at gawa lang ang panglaban mo, mananalo ka pa rin. Lalo na kapag andiyan yung mga kaibigan at kapamilya mong superhero ng buhay mo. Oh tara, magpaka-superhero tayo.

sweet realism :)

LOVE? Tsk. Puro Love. Love is in the air nga daw eh. Ayun. Yun lang naman eh, yung pinupunto nito. Andaming lumalandi, nagpapalandi at nilalandi. JOKE. :D haha. Love. Paano mo malalaman kung love or infatuation lang? Paano mo din malalaman kung kailangan mo siya o talagang gusto mo lang siya? At huli, paano mo mapapag-iba ang feeling ng pagkagusto at pagka-kailangan? Nyeta. Andaming tanong! =)

Love at infatuation, i-didifferentiate ko sa point of view ko. Love, kapag mahal mo yung tao. Yung kabuuan nung taong yun, lahat-lahat sa kanya at tanggap mo kung ano siya. Malayong malayo sa iniisip nila na mahal na nila ang isang tao kasi nagagandahan sila or nasesexy-han sila. WTF?! Haha. LOVE BA YUN? TSK. Infatuation naman, kapag masaya ka pag kasama mo siya at kapag parang may kulang sayo kapag wala siya. Kaya nga minsan maraming nagsasabi, ‘infatuation lang yung nararamdaman niya para kay ano eh’. Kaya para walang mangyaring kung ano mang bagay na may masasaktan at makakasakit, isipin mo muna yan. Think about it; is it Love, Infatuation or Lust?

Next is if you need that person or you just want him? Kailangan mo nga ba talaga siya? O gusto mo lang siya? Malaki kasi ang pinagkakaiba nito, siguro naman alam na natin iyon. Kapag gusto mo lang siya, pwedeng hindi magtagal ito. Pero kapag kailangan mo, magtatagal ‘to sayo ng habangbuhay. Halimbawa na lang ang isang gamit, bibilihin mo ang isang gadget na sobrang mahal kasi gusto mo to, pero after years or months, hindi mo na ito gagamitin. Keme na lang o ichampwera na lang to sa bahay niyo, pero yung cellphone na lowclass o kahit anong model, iingatan mo kasi sobrang kailangan mo para makipag-communicate.

Naaalala ko nga yung sermon ni Father sa church namin. May isang 65 years old na matanda na gustong magkaroon ng asawa. Lumapit siya kay Father at nagsabi na gusto niya na magkaroon ng asawa, pero tinanong siya ni Father kung gusto ba talaga niyang magkaroon ng asawa. Sumagot yung matanda na kailangan at gusto niyang magkaroon ng asawa para daw magkaroon ng mga anak na mag-aalaga sa kanya kapag hindi na kaya ng katawan niya. Tinanong siya ni Father, ‘Marami ka bang kaibigan?’, siyempre sumagot siya na maraming marami daw. Nagulat siya sa sinabi ni Father, ‘Hindi mo na kailangang magkaroon ng asawa at mga anak, kasi marami ka namang kaibigang mag-aalaga sa iyo pag hindi mo na kaya’. Pinapakita lang nito na may mga bagay na hindi na natin kailangan para magkaroon ng kasiyahan sa buhay. Pero it doesn’t mean na wag na tayong mag-asawa lahat. =)

Yung panghuli, ikaw na makakaalam ng kasagutan nito. Basta sundin mo lang yung sinasabi ng puso mo, wag laging paganahin ang utak, gamitan din ng puso. Lagyan ng harmony sa pagitan ng dalawang ito. ‘Ang tao kasi madaling pasunurin ‘yan, pero ang puso hindi’.

Saturday, March 14, 2009

pinritong mantika/ fried oil. :D

Ingredients&&Materials:
*mantika/oil
*frying pan
*spatula

Procedure:
1. Buksan ang stove at ilagay ang frying pan.
2. I-set sa medium temperature.
3. Lagyan ng mantika, hanggang sa kalahati ng frying pan.
4. Haluin gamit ang spatula.
5. Pag mainit na, hinaan na ang apoy.
6. Ilagay ang mantika sa bowl.

ayos kase kanina, nung nasa jeep papunta na sa hardin ng rosas naguusap kung saan kakain.
tas sabe magluto na lang daw.
As suggested by Joyce, pinritong mantika at pinakulong tubig ata yung isa pa.
benta saken eh.
ankulet, grabe anlaking patawa ng mga ganun eh. :D

yun lang naman.

Thursday, March 12, 2009

fan-boying. ÜÜ

hello, at ito ang pinaka unang post ko dito. :D
siyempre uunahin ko nang i-discuss yung bansag kanina ni danae kanina saken,
benta talaga eh.
fan boy. kase diba ang normal, fan-girling.
ankulet. fan-boying daw ako dahil sa mga pictures na nilagay ko sa CP ko.
ewan ko, kung mukha man akong stalker, manyak o kahit anu pang
isipin mo.
tama, ikaw!

puro naman kase volleyball players yung nasa CP ko.
ayos talaga eh,
eh naman kase.
beauty && brains.
wohoo! ansaya tlaga, magkakakilala naman kame.
kaso kase taray to da maxx. :P

next na magiging fan ako, shempre shift na muna ko sa iba pa.
pause muna sa mga vball players,
sa bands or solo singers naman. :D
wooot!
go taylor swift!

sana ma-meet kta in person,
gawa tayo ng sarili nating
LOVE STORY.:D

ayos ba yung mga ganun??
hahaha.
sige, hanggang dito muna.

dami pang hw eh.
wush.
bye.