Pare-pareho lang lahat tayo, may isang punto sa buhay natin na hindi tayo kuntento, alam kong naramdaman o naranasan mo na ‘yon, aminin. Ako kasi, malimit kong kakitaan ang sarili ko ng pagkakamali, hindi ko alam kung bakit, natural na yata to eh. Kasabay ng pagkakita sa mga kamalian na tinataglay ko, namumuo yung kagustuhan ko para sa sarili ko na gayahin o di kaya’y mapunta sa kalagayan ng iba. Tulad nila Spiderman sa Komiks, ni Prince Charming sa mga fairytale, ni Dash sa The Incredibles at lalong-lalo na ni Clark Kent sa Superman. Almost perfect ang mga taong ito, nakukuha nila ang gusto nila, napapa-sakanila yung mga taong gusto nila at nagagawa din nila lahat. Para silang mga dealer sa poker, kontrolado nila ang laro at sila ang nagse-set ng i-lalaro mo. Hayy, nakakainggit nga naman sila.
Pero kahit ganon, hindi ko pa rin naman nakakalimutan siyempre na hanapin ang mga positive sa akin, yun yung masaya eh. =) Yun yung magpapabuhay ng araw ko.
Kumuha ako ng papel at lapis nung isang araw, sinubukan kong i-guhit yung sarili ko pag naka-komiks. Pero hindi ko magawa, di naman ako magaling mag-drawing eh. At mas maganda kasi sana kung yung drawing na ito ay magpapakita kung ano yung mga ugali mo sa loob, hindi lang sa labas. Kung ganoon kase yung mangyayari, edi magda-drawing talaga ako.
Sa pagsulat nito, napaisip ulit ako. AMP. Ayokong maging superhero o kahit sinong perpekto sa komiks, mas maganda pala kapag ikaw yung ikaw ng ikaw. Kasi kapag ginawa mo lahat ng sa tingin mo ay tama, at sa tingin mo ay hindi makakaapekto sa daloy ng mundo, pwede ka din namang maging isa sa kanila. ANG MAGING KILALANG SUPERHERO. Back to basics lang, di na kailangan maging moderno, salita at gawa lang ang panglaban mo, mananalo ka pa rin. Lalo na kapag andiyan yung mga kaibigan at kapamilya mong superhero ng buhay mo. Oh tara, magpaka-superhero tayo.