Saturday, October 30, 2010

sweet realism :)

LOVE? Tsk. Puro Love. Love is in the air nga daw eh. Ayun. Yun lang naman eh, yung pinupunto nito. Andaming lumalandi, nagpapalandi at nilalandi. JOKE. :D haha. Love. Paano mo malalaman kung love or infatuation lang? Paano mo din malalaman kung kailangan mo siya o talagang gusto mo lang siya? At huli, paano mo mapapag-iba ang feeling ng pagkagusto at pagka-kailangan? Nyeta. Andaming tanong! =)

Love at infatuation, i-didifferentiate ko sa point of view ko. Love, kapag mahal mo yung tao. Yung kabuuan nung taong yun, lahat-lahat sa kanya at tanggap mo kung ano siya. Malayong malayo sa iniisip nila na mahal na nila ang isang tao kasi nagagandahan sila or nasesexy-han sila. WTF?! Haha. LOVE BA YUN? TSK. Infatuation naman, kapag masaya ka pag kasama mo siya at kapag parang may kulang sayo kapag wala siya. Kaya nga minsan maraming nagsasabi, ‘infatuation lang yung nararamdaman niya para kay ano eh’. Kaya para walang mangyaring kung ano mang bagay na may masasaktan at makakasakit, isipin mo muna yan. Think about it; is it Love, Infatuation or Lust?

Next is if you need that person or you just want him? Kailangan mo nga ba talaga siya? O gusto mo lang siya? Malaki kasi ang pinagkakaiba nito, siguro naman alam na natin iyon. Kapag gusto mo lang siya, pwedeng hindi magtagal ito. Pero kapag kailangan mo, magtatagal ‘to sayo ng habangbuhay. Halimbawa na lang ang isang gamit, bibilihin mo ang isang gadget na sobrang mahal kasi gusto mo to, pero after years or months, hindi mo na ito gagamitin. Keme na lang o ichampwera na lang to sa bahay niyo, pero yung cellphone na lowclass o kahit anong model, iingatan mo kasi sobrang kailangan mo para makipag-communicate.

Naaalala ko nga yung sermon ni Father sa church namin. May isang 65 years old na matanda na gustong magkaroon ng asawa. Lumapit siya kay Father at nagsabi na gusto niya na magkaroon ng asawa, pero tinanong siya ni Father kung gusto ba talaga niyang magkaroon ng asawa. Sumagot yung matanda na kailangan at gusto niyang magkaroon ng asawa para daw magkaroon ng mga anak na mag-aalaga sa kanya kapag hindi na kaya ng katawan niya. Tinanong siya ni Father, ‘Marami ka bang kaibigan?’, siyempre sumagot siya na maraming marami daw. Nagulat siya sa sinabi ni Father, ‘Hindi mo na kailangang magkaroon ng asawa at mga anak, kasi marami ka namang kaibigang mag-aalaga sa iyo pag hindi mo na kaya’. Pinapakita lang nito na may mga bagay na hindi na natin kailangan para magkaroon ng kasiyahan sa buhay. Pero it doesn’t mean na wag na tayong mag-asawa lahat. =)

Yung panghuli, ikaw na makakaalam ng kasagutan nito. Basta sundin mo lang yung sinasabi ng puso mo, wag laging paganahin ang utak, gamitan din ng puso. Lagyan ng harmony sa pagitan ng dalawang ito. ‘Ang tao kasi madaling pasunurin ‘yan, pero ang puso hindi’.

No comments:

Post a Comment